Platform for Change - Tagalog
ATING PLATAPORMA PARA SA PAGBABAGO
Pinagtibay ng UHW Executive Board sa Enero 4, 2008
Download [PDF]
DEMOKRASYA SA UNYON:
ISANG MIYEMBRO, ISANG BOTO
■ Igarantiya ang mga karapatan ng mga miyembro na bumoto sa mga minumungkahing
kontrata at kasunduang kolektibong pakikipagtawaran pati na rin
ang mga kasunduang eleksiyon sa ating mga taga-empleyo na nagsasaad ng
mga kondisyon upang sumali sa ating unyon ang mga manggagawang wala
pang samahan.
■ Siguraduhin ang mga karapatan ng mga miyembro na makilahok sa at
maghalal ng mga kinatawan sa mga komiteng pakikipagtawaran na nakikipagtawaran
para sa atin.
■ Gamitin ang mga pang-miyembrong patakarang pamboto batay sa per
capita upang masiguradong isang miyembro, isang boto.
■ Isagawa sa konstitusyon ang kayariang Unity Council na naggagarantiya
ng per capita na pagboto, paglahok ng rank-and-fi le, at pagboboto ng tanging
mga miyembro lamang.
■ Ihalal ang lahat ng mga pinuno ng Internasyonal na unyon sa deretsong
halalan ng mga miyembro.
PAG-OORGANISA SA MGA WALA PANG SAMAHAN SA
ATING MGA PANGUNAHING INDUSTRIYA KASAMA
ANG AKTIBONG PAKIKIPAGLAHOK NG MGA LIDER SA
LUGAR NG TRABAHO
■ Ituon ang pansin sa mga pangunahing industriya ng SEIU, magtatag kung
saan tayo’y may pundasiyon ng mga miyembro, at siguraduhing mga manggagawang
lider ang nangunguna sa lahat ng mga kampanya.
■ Sa pamamagitan ng mga Unity Council, gumawa ng planong sinasama ang
lakas ng mga lokal na unyon sa tuwangan ng pambansang unyon.
■ Tutulan ang mga kasunduan sa halalan na nagbibigay ng pangmatagalang
kapangyarihan sa mga taga-empleyo at pumipigil sa mga buong karapatan sa
kolektibong pakikipagtawaran.
■ Tutulan ang mga kasunduan sa halalan na iniiwan ang ibang mga manggagawa
sa mas mababang kalagayan.
■ Lumikha ng programang panglinang at pagsasanay sa mga lider para sa
staff at mga miyembrong rank-and-fi le upang manguna sa mga kampanyang
pang-organisa.
■ Ituon ang pansin hindi lamang sa pagpaparami ng mga numero, kundi sa
tunay na pagbabago sa buhay ng mga manggagawa.
PAGPAPABUTI SA MGA BUHAY NG MGA MANGGAGAWA
AT NG ATING MGA INAALAGAAN
■ Lumaban nang makakamit ng mga pamantayan upang masigurado na
ang mga manggagawang gumaganap ng parehong trabaho ay kumikita ng
parehong suweldo at mga benepisyo, saanman o kaninuman ang kanilang
trabaho.
■ Lakasan ang ating kakayahang ipagtanggol ang mga pasyente, mga residente
sa bahay sa pag-aaruga, at mga inaalagaan sa bahay.
■ Magtatag ng ugnayan sa taga-empleyo mula sa puwestong malakas.
■ Magtatag ng mga pangkontratang pamantayan sa loob ng Divisions ng
SEIU, kasama ang mga sistema ng pananagutan upang makamit ng lahat ng
mga lokal ang mga pamantayang pang-industriyang ito.
■ Ituon ang pansin sa pagbuo at pagsasanay sa isang pangkat ng staff at
mga miyembrong taga-organisa na may karanasan upang manguna sa mga
kampanyang pangkontrata.
■ Gumawa ng tunay na pambansang pondo para sa welga na may mga
makahulugang benepisyo.
■ Itaguyod ang mga tuwang na pambansang kampanyang pakikipagtawaran
ng industriya.
■ Gumawa ng programang politikal upang masigurado ang sapat na pondo
mula sa pamahalaan para sa mga kinakailangang serbisyo sa pag-aalaga ng
kalusugan, panlipunan at pampubliko.
KAPANGYARIHAN PARA SA MGA MANGGAGAWA
SA ATING LIPUNAN
■ Maki-isa, imbes na ihiwa-hiwalay ang kilos trabaho, kasali rin ang posibilidad
ng isang bagong, pinag-isang samahang trabaho na kasama ang SEIU,
AFL-CIO, Change to Win at mga unyong wala pang kaugnayan.
■ Ituon ang pansin sa pagtatag ng kapangyarihan at pag-angat ng mga pamantayan
sa mga pangunahing industriya sa SEIU.
■ Makilahok sa mga unyon sa buong daigdig tungo sa pagtatag ng tunay na
kapangyarihan para sa mga manggagawa.
Ganar reformas en las leyes de trabajo, inclusive el pasaje del Employee Free
Choice Act y una prohibición en reemplazos permanentes de huelguistas.
■ Magkamit ng reporma sa mga batas trabaho, kasama ang pagtibay ng Employee
Free Choice Act at pagbawal ng mga pamalagiang halinhin sa mga
nagwewelga.
■ Magkamit ng pambansang reporma sa pag-aalaga ng kalusugan tungo sa
sistemang iisang-magbabayad (single-payer).
■ Tuparin ang totoong pagbabago sa immigrasyon.
■ Lumaban para sa katarungang panlipunan at pang-ekonomiya upang makamit
ang isang lipunang ligtas sa diskriminasyon at kiling.
■ Magtatag ng maunlad na mayoria sa bansa bilang pangkontra sa kapangyarihan
ng mga korporasyong multinasyonal.
Pinagtibay ng UHW Executive Board sa Enero 4, 2008
Para sa mga karagdagang impormasyon, maaring kontakin po si Jay L.
Valencia. Cell: 213-248-3368
Download [PDF]